Ang Mga Kalbaryo sa Buhay Ko
dalawang araw nalang bago ako magla-labinwalong taong gulang. di na ata ako makakapaghintay dahil sa wakas, magsisimula na naman ako ng bagong kapitulo ng buhay ako. ito’y magiging isang pagkakataong maiwasto ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko mula sa pagsagot ko ng Beijing bilang punong lungsod ng Albania noong ako’y nasa unang baitan pa hanggang sa sakit na naidulot ko sa aking mga kaibigan noong hindi ko sila pinakopya ng sagot ko sa aming pasulit sa Spanish12. hehe…
bago ang lahat, gusto ko lang ipaalam sa aking mga kagiliw-giliw na tagapagbasa na isa lang ang dahilan kung bakit nagsusulat ako ngayon ng isang sanaysay gamit ang kinakalbaryo kong wikang filipino: ipinangako ko kasi sa isang matalik na kaibigang nagngangalang metmet na susulat ako ng isang piyesa sa filipino.
kaya heto na met, para sa iyo ‘to. magugustuhan mo man o hindi, gusto ko lang sabihin sa iyo na wala akong katabing makapal at maalikabok na diskyunaryo sa filipino. ako lang at ang aking kawawang computer ang magkasama sa isang sulok ng aming bahay. ako lang at ang computer. wala nang iba. kung andito ka ngayon sa tabi ko, ang maririnig mo lang ay ang tagoktok ng keyboard habang ako’y nag-e-encode sa karumaldumal na sanaysay na ito.
alam naman talaga ng lahat maliban kay Gng. Yape na hindi talaga ako magaling mag-filipino. alam ko, kakahiya talaga sapagkat ito pa naman ang ating pambansang wika. ibig sabihin, hindi ito wikang banyaga tulad ng ingles, kastila, o kaya’y aleman. ngunit gustuhin ko man o hindi, di ko talaga mapapantayan si Balagtas tuwing sinusubukan kong magsalita o sumulat man sa filipino. marami ata ang nagtataka kung bakit ako pa ang nagkakaroon ng pinakamataas na marka sa aming klase sa filipino. siguro akong sa gabi-gabi kong pagdarasal, tinulungan talaga ako ng Diyos at ng lahat ng mga santo at anghel sa langit sa paghaharap sa isa sa mga pinaka-ayaw kong mga asignatura sa buong buhay ko.
pero hindi lang isang asignatura ang nagpapahirap sa buhay ko dito sa kolehiyo. merong isang tao na itago nalang natin sa pangalang Bangkay dahil parang ganun naman talaga siya, e. di ko talaga siya nakitang nakangiti. kahit tawa man lang, di ko naririnig mula sa kanya. kahit sabihin man niya na ‘enjoy and have fun,’ naku! daig pa ang isang taong araw-araw ay namatayan ng kamag-anak. para siyang nalulung sa pagluluksa at sa pmatinding pighati. kung ngingiti man ako sa kanya, tititigan lang niya ako. kung meron akong sasabihin, tiyak na may sasabihin din siya laban dun. parang ang tanging layunin niya ay mapatunayan sa lahat na kahit anong gawin ko, mali talaga ako.
meron ding isang nilalang na tanging ang misyon sa buhay ay pahihirapan lang ako. wala naman ata akong ginawang masama sa kanya, heto naman ang mokong, palaging pinasasakit yung ulo ko. akala niya kung sino siya. sana pagtutuunan niya ng pansin ang mga mas-importanteng bagay tulad ng paano siya makapagtapos ng pag-aaral. kaya lang, masgugustuhin pa niyang guguluhin ang mundo ko. haaay…
at heto rin, term paper writing. anak ng notecards! paano na ‘to? kailangan na talagang ipasa namin ang 1st draft sa pagsapit ng ika-22 ng setyembre. nasa notecards pa lang ako. hindi pa nga ako tapos sa pagbabasa ng ibang sources ko at heto na, ilang tulog nalang ipapasa ko na ang aking termpaper. di ko ata ito nararanasan noong high school pa ako. masyadong simple pa ang buhay noon. di masyadong maraming komplikasyon. di gaya ng kolehiyo na walang tulugan.
huwag nating kalimutan ang talumpati. naku! magtatalumpati na pala ako ngayong ika-25 ng setyembre. kinakabahan na ako. hindi ko pa naisasaulo ang aking napakaikling piyesa na kayhirap talagang isasaulo. paano na ‘to?
pero wala talagang makakatalo sa major ko na kinakailangan naming pumasa ng walong balita bago sumapit and oktubre. haaay nako……saan ba ako puwedeng pumulot ng mga balita na wala naman talagang masyadong nagaganap sa loob ng silliman. siguro may babayaran nalang akong tumalon mula sa pinakamataas na tuktok ng a/s para magkakaroon ako ng balitang maipasa ko sa aking guro.
dalawang araw nalang bago ako maglalabinwalo. pitong araw nalang bago kailangan kong ipasa ang aking personality profile. siyam na araw bago ko kailangang ipasa ang aking first draft sa term paper at labindalawang araw nalang bago ako magtatalumpati sa harap ng aking mga kaklase sa fil13.
sana nga magkakaroon ng isang milagro…;p
September 14th, 2006 at 3:26 am
makaka-asa kang nandiyan lang ang tide: kase, “tide is mirakol!”
=)
PS: Pero surf pa rin ang da best!
September 14th, 2006 at 3:38 am
anak ng talapindutan! na gawa mo nga! magaling. Huwag mong kalimutan ang patimpalak natin ha? hehehe mabuhay ang wikang Filipino! mabuhay si Bob Ong! hehehe sino nga ba laman ng puso mo? hehehe biro lang, biro lang…. ;P
September 14th, 2006 at 5:47 am
hehehe! wow! ang lalim namn niyan! hMm,. advance nikKi! hehehe! may u enJoi ur oHh sOo vewi special day!(^^,) labshew! adVance happi beedai nik!♥
September 14th, 2006 at 6:32 am
to terrence: oo naman, noh! wais kasi…
to metmet: korek ka dyan! di ko talaga makakalimutan ‘yon. kaso…la lang…
to mookies: anong lalim? hehe…ang babaw nga…maraming salamat, ha. mwah!
September 14th, 2006 at 6:49 am
kahanga-hanga istaki… kung ang sabi mo ay hindi ka nga magaling magfilipino, eh paano na kaya ako… paglagay man lang ng ‘comment’ dito ay hindi nga ako nakapag-isip ng maigi kung anumang salitaang gagamitin ko. hehehe!
at eto pa… MALIGAYANG PASKO! este, happy birthday pala (ano ang tagalog nun ulit? hehehe!)
September 14th, 2006 at 3:38 pm
Good Lord–Tagalog! My worst language! Bisaya nalang ta to Nik…
September 14th, 2006 at 9:34 pm
to david: naks naman, maraming salamat po, dada. ang tagalog po ng happy birthday ay ‘maligayang bati’ hehe…
to ray donn: magdusa ka at intindihin mo kung ano ang nakasulat dito. kailangan nating marunong kung papaano sumulat gamit ang ating pambansang wika sapgkat tayo’y mga tagapag hatid ng balita saan mang sulok sa pilipinas.
September 15th, 2006 at 12:46 pm
My pambansang wika is CEBUANO!!! And in case you have’nt noticed, I specialize in English.
September 15th, 2006 at 5:21 pm
ngunit hindi gaano ka raming tao ang nagsasalita ng cebuano kumpara sa filipino. d yan pambansang wika. kailangan mong matuto ng filipino dahil nakikita ko nang wala kang ibang babagsakan sa panghinaharap kundi sa rehiyong katagalugan.
September 15th, 2006 at 7:49 pm
“Kung sino man ang hindi marunong magmahal ng kanyang sariling wika, ay isang dakilang bobo.” Ang mga hangal na mangmang sa wikang Filipino ay walang karapatang tumira sa Pilipinas. ;P Para sa itong kaalaman, ang wikang Filipino ang isa sa mga pinaka-mahirap na wika sa buong daigdig.
September 15th, 2006 at 7:50 pm
“Kung sino man ang hindi marunong magmahal ng kanyang sariling wika, ay isang dakilang bobo.” Ang mga hangal na mangmang sa wikang Filipino ay walang karapatang tumira sa Pilipinas. ;P Para sa iyong kaalaman, ang wikang Filipino ang isa sa mga pinaka-mahirap na wika sa buong daigdig.
September 16th, 2006 at 3:14 am
Whatever…I’m still a Cebuano–and I still love English far more than Tagalog.
September 17th, 2006 at 2:00 am
Punyemas na Tagalog! Este, Filipino pala! Mahirap talagang sumulat sa Tagalog lalung-lalo na kung kailangang pag-isipan… At nanggaling na ‘yan sa isang Tagalog na tulad ko! Haha! Magtatalumpati na tayo, Stak! Hindi pa ako handa!
Ay. “Happy birthday” is “maligayang kaarawan” in English.
“Maligayang bati” is “greetings!”
Ayokong mag-critique sa entry na ‘to. Baka papatayin mo pa ako. Hehe. Hindi ako sintapang ng babaeng nag-critique dito (’yung isa sa mga treasures mo kagabi).
September 17th, 2006 at 2:01 am
EDIT:
From “sumulat” to “MAGSULAT.” Lecheng Filipino. Haha.
September 17th, 2006 at 4:41 am
hahaha!